Search the Entire Web

Sunday, September 28, 2014

At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit

Pro 28:6 Maigi ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat, kay sa suwail sa kaniyang mga lakad, bagaman siya'y mayaman.
Pro 28:23 Siyang sumasaway sa isang tao ay makakasumpong sa ibang araw ng higit na lingap kay sa doon sa kunwa'y pumupuri ng dila.
Pro 28:13 Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.
Pro 25:28 Siyang hindi pumipigil ng kaniyang sariling diwa ay parang bayang nabagsak at walang kuta.
Pro 20:22 Huwag mong sabihin, ako'y gaganti ng kasamaan: maghintay ka sa Panginoon, at kaniyang ililigtas ka.
Pro 22:24 Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama:Pro 22:25 Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.
Gen_31:44 At ngayo'y halika, gumawa tayo ng isang tipan, ako't ikaw na maging patotoo sa akin at sa iyo.
Dan_12:3 At silang pantas ay sisilang na parang ningning ng langit; at silang mangagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailan man.
At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit
Deu_7:15 At ilalayo sa iyo ng Panginoon ang lahat ng sakit: at wala siyang ihuhulog sa inyo sa masamang sakit sa Egipto, na iyong nalalaman, kundi ihuhulog niya sa lahat ng nangapopoot sa iyo.

No comments:

Post a Comment